-- Advertisements --
Sabong 2

CENTRAL MINDANAO – Natapos na sa 14-day straight monitoring ang 209 sabungero sa probinsya ng Cotabato na dumalo sa derby sa Matina Gallera Davao City.

Ito ang kinomperma ni Cotabato 2nd District Board Member Dr Philbert Malaluan siya ring pinuno ng COVID-19 Provincial Inter-agency Task Force.

Cleared at natapos na ang 14 day incubation period ng 209 sabungero mula sa 227 ka kabuang bilang.

Nanguna ang task force sabung contact tracer sa kanilang epektibong trabaho para hanapin ang mga sabungero na dumalo sa derby.

Matatandaan na dalawang sabungero ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) mula sa probinsya ng Cotabato,isa ang gumaling na habang isa pa ang hinihintay ang swab test result ngunit nasa maayos ng kondisyon.

Mula sa 209 na sabungero labinsiyam na lamang ang natitira, labinlima dito ay naka strict home quarantine habang tatlo naman ang nasa isolation facility.

Araw-araw na minamanmanan ng mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response team at isolation facility doctors ang kalusugan ng mga sabungero.

Mino-monitor rin ng mga health workers ang mga kamag-anak at kaibigan na nasalamuha ng mga sabungero.

Sa mga nagtapos sa 14 day incubation period ay bibigyan ng health clearance ng kanilang mga local health unit officer.