Mas mababa pa kumpara sa mga nakalipas na araw ang bagong dagdag na naitalang dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ito ay makaraang iulat ng Department of Health (DOH) ang 2,087 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Sa kabuuan ang mga nahawa sa virus sa Pilinas ay umaabot na sa 2,805,294.
Samantala mayroon namang maraming naitalang bagong gumaling na umaabot sa 3,510.
Sa mga bagong namatay mas mababa naman sa 100 ang nadagdag na umaabot sa 91.
Ang death toll sa bansa mula noong nakaraang taon dahil sa deadly virus ay nasa 44,521.
Doon naman sa mga aktibong kaso pa, kinumpirma rin ng DOH na meron pang 32,077 ang nagpapagaling.
Ang mga nakarekober naman ay umaabot nasa 2,728,696.
Habang mayroong walong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
“6 duplicates were removed from the total case count. Of these, 5 are recoveries. Moreover, 66 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” bahagi pa ng DOH advisory. “All labs were operational on November 6, 2021 while 8 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 8 non-reporting labs contribute, on average, 0.8% of samples tested and 1.2% of positive individuals.”