Inihayag kamakailan ng Korte Suprema (SC) na ang 2024 Shari’ah Bar Examinations (SBE) ay gaganapin sa Pebrero.
Ayon sa SC, ang mga pagsusulit, na gagawing digitized at regionalized, ay gaganapin sa Pebrero 25 at 28.
Sasaklawin ng 2024 SBE ang apat na paksa, katulad ng jurisprudence (figh) at customary laws (adat); mga tao, family relations and property; succession, wills or adjudication pati na rin ang procedure sa Shari’ah Courts.
Sinabi ng SC na ang iba pang mga announcement, tulad ng mga application requirements, software technical specifications, health protocols, local testing center at venue selection ay ilalabas sa subsequent Bar bulletins.
Ang pagsusulit sa Shari’ah Bar ngayong taon ay pinamumunuan ni Associate Justice Maria Filomena Singh.
Ang isang indibidwal ay dapat munang makapasa sa pagsusulit upang maging isang abogado sa ilalim ng Shari’ah court system ng Pilipinas.