Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na tutugunan ng panukalang P5.768-trillion 2024 national budget ang pagpapataas sa produksyon ng agricultural products gaya ng bigas at mais at mapababa ang gastos sa transportasyon.
Sinabi ni Romualdez na palalakasin ng Build Better More Program ang mataas na investment sa imprastraktura para mapababa ang gastos sa transportasyon at logistics.
Ayon kay Speaker, kasama sa panukalang pambansang pondo ang alokasyon para sa programa ng mga lokal na pamahalaan sa agrikultura, fisheries, digitalization at infrastructure development.
Tema ng pambansang pondo ng Marcos Jr. administraton sa susunod na taon ay “Agenda for Prosperity: Securing a Future-Proof and Sustainable Economy.”
Ayon sa House leader ang 2023 budget ay idinesenyo upang lalo pang sumipa ang mataas nang growth trajectory ng bansa lalo ang target ng Pilipinas na makamit ang upper-middle-income status pagsapit ng 2025 at habang pinapanatili ang matatag na financial position.
Nananatili rin aniyang prayoridad ang sektor ng edukasyon kung saan 16 porsyento ng kabuuang pambansang pondo ang inilaan o katumbas ng 3.3 percent na pagtaas sa alokasyon.
Nakapaloob din sa pondo para sa susunod na taon ang mas malaking budget para sa social protection gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, pensyon oara sa indigent senior citizens at supplementary feeding o pamamagahi ng hot meals sa may dalawang milyong mahihirap na kabataan.
Popondohan din ng gobyerno ang renewable energy projects para punan ang 35-percent ng power mix pagsapit ng 2030, ay mapailawan ang laht ng barangays pagsapit ng 2028.
Kasama rin sa pinaglaanan ng budget ang mga bagong banner program ng pamahalaan gaya ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program at Philippine Food Strategic Transfer and Alternative Measures Program maliban pa sa climate change programs at pagkamit ng bureaucratic efficiency at mas maayos na fiscal management.
May sapat din aniyang bahagi sa national budget ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Marawi Siege Victims Compensation Program para asistehan ang mga residente na nawalan o na siraan ng ari-arian dahil sa Marawi siege noong 2017.