-- Advertisements --

Naka-imprinta na handa ng isimute sa kongreso sa susunod na linggo ang P5.268-trillion national budget para sa taong 2023.

Ayon kay Budget Undersecretary Joselito Basilio nagkaroon na kanilang naplantsa na ang ilang mga nilalaman ng nasabing budget.

Umaasa din ito na maipapasa sa tamang panahon ang nasabing 2023 national budget.

Nauna ng sinabi ng Department of Budget Management noong Hulyo na kanilang isusumite ang 2023 national budget sa 19th Congress sa Agosto 22.

Ilan sa mga prioridad sa budge ay ang edukasyon, kalusugan, social safety nets, infrastructure at agrikultura.