-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit P700 milyon ang kabuuang ticket sales ng 10 pelikulang kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival.

Sinabi ni MMFF Chairman Atty. Romando Artes, na naabot na nila ang target at dahil mayroon pang apat na araw na ipapalabas sa mga sinehan ang pelikula ay tiyak na malalampasan ang nasabing ticket sales.

Naniniwala din ito na lahat ng mga pelikulang kalahok ay kumita.

Noong 2018 ay nagtala ang MMFF ng record box office ng P1.061 bilyon kung saan umaasa si Artes na maaabot ito lalo na at bumabalik na sa normal ang pagkahilig ng mga tao sa panonood ng sine.