-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Senado ang 2023 budget ng tatlong ahensiya ng gobyerno.

Sa isinagawang sesyon nitong Miyerkules ay naaprubahan ng mga senador ang budget ng Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF), at National Economic and Development Authority (Neda) at mga ahensya na nasa hanay nila.

Hindi pa naaprubahan ang budget proposal ng Philippine Statistics Authority (PSA) dahil sa may mga ilang kuwestyon ang mga mambabatas.

Ang DBM ay mayroong budget na P1.8 bilyon habang ang DOF ay mayroong P30.6 bilyon na nakalaang budget.

Aabot naman sa P13.2 bilyon ang naaprubahang budget ng NEDA.

Naihabol din na naaprubahan ang budget ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na nagkakahalaga ng P3.08 bilyon.

Pinangunahan ni Senate finance committee panel chairman Senator Sonny Angara ang pagdepensa sa pondo ng nabanggit na mga ahensiya.