-- Advertisements --
Nangangamba ngayon ang isang mambabatas na mauwi sa reenacted budget ang 2022 national fund.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, hanggang sa kasalukuyan ay wala pa silang natatanggap na budget documents na pagsisimulan ng mga pagdinig ukol sa taunang pondo.
Nakadagdag pa sa alalahanin ng mga senador ang pagbibitiw sa pwesto ni Budget Sec. Wendel Avisado dahil sa isyung pangkalusugan, matapos itong tamaan ng COVID-19.
Sa pagsisimula ng pandemya, nasa P4.1 trillion ang nakalaan, habang ngayong 2021 ay may P4.5 trillion na, ngunit kapos pa rin para sa COVID response.
Target sana ng gobyerno na magkaroon ng P5.024 trillion fund, para mapunan ang mga pangangailangan sa pagbangon mula sa huminang ekonomiya at iba pang proyekto.