-- Advertisements --

Naglabas na ang Supreme Court (SC) ng schedule para sa nakatakdang 2022 Bar examinations.

Ayon kay Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, isasagawa ang bar examination para sa mga aspiring lawyers sa loob ng apat na araw simula sa November 9, 13, 16 at 20.

Kasunod ng matagumpay na pagsasagawa ng 2020-2021 Bar exam na siyang kauna-unahang digitized at localized test sa bansa para sa mga aspiring lawyers, ipagpapatuloy ang paggamit ng Examplify na isang secure examination delivery program.

Sa naturang programa, ang mga examinees ay gagamit ng kanilang sariling devices sa kanilang napiling venue habang imo-monitor ang mga ito ng in-person proctors at closed-circuit television cameras.

Bibigayn naman ng access ang lahat ng Bar examinations applicants sa computer-based testing software para mag-take ng 2022 Bar examinations.

Inaabisuhan naman ang mga applicants na regular na i-check ang kanilang BAR PLUS-registered email at accounts para sa listahan ng conditional at unconditional approved applicants.

Nagtapos ang applications para sa 2022 Bar examination noong August 15.