-- Advertisements --

Masayang ibinahagi sa kaniyang fans ni 2021 Miss Universe Philippine Tourism Katrina Dimaranan ang kaniyang pagtatapos ng nursing program sa US.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan ng kaniyang pagtatapos.

Makikita sa larawan nito ang sash na suot niya na isang watawat ng Pilipinas.

Sinabi nito na agad itong tinanggap sa nursing program noong araw na ito ay bumalik sa US matapos ang pagsali sa Miss Universe Philippines.

Target nito ngayon ay kumuha ng National Council Licensure Examination for Registered Nurses para maging opisyal na siyang registered nurse.

Magugunitang noong 2022 ng ianunsiyo niya ang tuluyang pagtatapos ng mga paglahok niya sa mga pageants.