-- Advertisements --

Napagdesisyunan ng Greece na ipagpaliban muna ang ilang major events sa iba’t ibang rehiyon ng bansa dahil sa coronovirus outbreak.

Kasama na rito ang Elis kung saan nakatakdang sindihan ang Olympic flame para sa darating na 2020 Tokyo Games.

Nakatakdang isagawa sa Elis ang Olympic torch-lighting ceremony sa Marso 12.

Ayon sa health ministry ng Greece, 22 katao na ang nagpositibo sa COVID-19 sa Elis at iba pang lugar. Nabatid na ang mga ito ay nagmula isang tour group na bumisita sa Egypt at Israel noong Pebrero.

Pumalo naman sa 31 katao ang kumpirmadong kaso ng coronivus sa Greece.

Nagpatupad na rin ng two-day ban ang ministry sa lahat ng major sports event at iba pang public gatherings. Ipinasara na rin nito ang ancient remains at mga eskwelahan sa Elis at dalawa pang rehiyon.

Samantala, pag-iisipan pa umano ng ministry kung hanggang kailan nito ipagpapaliban ang mga torch-relay events.