-- Advertisements --
Tiniyak ni House Majority Leader Fredenil Castro na maipapasa on time ang 2020 national budget.
Sinabi ni Castro sa isang forum na isa sa kanyang mga prayoridad sa 18th Congress ang pagpasa sa pambansang pondo para sa susunod na taon.
Sakaling makuha pa rin daw niya ang kanyang hawak na posisyon sa susunod na Kongreso, nangako si Castro na ipapasa ang 2020 budget sa Oktubre.
Magugunita na sinisi ng economic managers ng Duterte administration ang Congress sa nangyaring budget impasse sa 2019 national budget, na siyang dahilan kung bakit bumagal ang economic growth ng bansa sa unang quarter ng bansa.