MMFF 2019

Ngayon pa lamang ay kanya-kanya nang pahayag ang mga Pinoy movie fanatics hinggil sa kani-kanila ring mga “manok” sa walong official entries ng 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ito’y kasabay ng taunang Parade of Stars ngayong Linggo, December 22, na magsisimula ganap na ala-1:00 ng hapon.

Kabilang sa magso-showdown sa Parade of Stars ang mga sumusunod:

“3Pol Trobol: Huli Ka Balbon” tampok sina Coco Martin, Jennylyn Mercado, at Ai-Ai delas Alas

“Culion” kung saan bida sina Iza Calzado, Jasmine Curtis-Smith, at Meryll Soriano

“Mindanao” nina Judy Ann Santos at Allen Dizon

“Miracle in Cell No. 7” (Aga Muhlach, Xia Vigor, Bela Padilla, Joel Torre, John Arcilla)

“Mission Unstapabol: The Don Identity” (Vic Sotto, Maine Mendoza, Jake Cuenca)

“Sunod” (Carmina Villarroel, Mylene Dizon, JC Santos)

“The Mall, The Merrier” (Vice Ganda, Anne Curtis, Tony Labrusca)

“Write About Love” (Rocco Nacino, Miles Ocampo, Joem Bascon, Yeng Constantino)

Una nang naiulat na ang Taguig City ang magiging host at venue ng parada ngayong taon kasabay ng pagbibigay ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ng ruta at mga isasarang daan para sa mga motorista.

Sa update na ipinadala ng MMDA, magsisimula ang parada sa Lakeshore C-6 at magtatapos sa McKinley West Open Ground.

Sinasabing ang 45th MMFF Parade of Stars ang magiging may pinakamahabang oras kung saan babaybayin ng mga ito ang 15.2 kilometers kaya inaasahang tatagal ito ng hanggang walong oras.

Noong nakaraang taon, anim na kilometro lamang ang naging ruta ng parada sa Paranaque City. Dito ay tinanghal na Best Float ang sinakyan nina Coco Martin para sa comedy film na “Jack Em Popoy: The Puliscredibles.”