-- Advertisements --

Mismong si 2019 Binibining Pilipinas-Universe ang nagsilbing tour guide ng kanyang amang Palestinian na kasalukuyang nasa bansa.

Nabatid na mahigit dalawang linggo na mula nang maganap ang unang beses na pagkikita ng mag-ama sa parehong restaurant kung saan din nagsimula ang love story ng mga magulang.

Sa latest post ng 24-year-old Fil-Palestinian model na ipinanganak sa Zamboanga, ipinasyal nito ang ama sa Cebu kung saan siya lumaki.

https://www.instagram.com/p/B8Fho8UnXu2/

Una nang ipinagdiwang ni Ganados ang kanyang homecoming matapos ang Miss Universe sa Amerika, sa pamamagitan ng pakikiisa sa Sinulog Grand Parade.

“Nothing feels better than being at home,” saad nito.

Kung maaalala, bigo si Gazini na maibigay ang back-to-back win sa Pilipinas kasunod ni Catriona Magnayon Gray kung saan nagtapos lamang ito sa Top 20 ng Miss Universe 2019.

Sa kabila nito, ipagpapatuloy daw ni Gazini ang kanyang advocacy para sa mga senior citizens.