-- Advertisements --
Masayang ibinalita ni 2018 Miss Intercontinental Karen Gallman ang kaniyang pagbubuntis.
Ito ay matapos ang limang buwan pag-iisang dibdib nila ng asawang si Ian Garton sa Queenstown, New Zealand.
Sa kaniyang Instagram account nagpost ito ng larawan ng kaniyang baby bump.
Nakatakda aniya ang panganganak nito sa Enero 2021.
Magugunitang naging kauna-unahang Filipina si Gallman na kinoronahan ng Miss Intercontinental sa 47-taong kasaysayan ng nasabing pageant.