Ikinasal na si 2017 Miss Universe Demi-Leigh Nel-Peters kay ex-NFL quarterback Tim Tebow.
Isinagawa ito nitong Enero19 sa La Paris Estate sa Cape Town, South Africa.
Naging pribado ang seremonya at mayroon lamang 250 na piling bisita.
Sa kaniyang Instagram account nagpost ang beauty queen ng larawan ng kanilang kasal.
Noong Enero 9, 2019 ay naging engaged ang dalawa sa family farm ni Tim sa Jacksonville, Florida.
Taon 2017 ng magwagi si Demi-Leigh sa Miss Universe at noong Disyembre 2018 ay ipinasa niya kay Catriona Gray ang kaniyang corona.
Ipinanganak naman sa Pilipinas si Tim kung saan ang kaniyang magulang ay nagsilbing missionaries sa Christian Baptist.
Mayroon silang iba’t-ibang charities na ang isang nakilala ay ang pagpapatayo nila ng Tebow CURE Hospital sa Davao City.