-- Advertisements --
Naging bahagi na ng Bb. Pilipinas Charities Inc. executive committee si 2005 Miss International Lara Quigaman.
Ipinakilala si Quigaman na bahagi ng execom ng BPCI sa pagpresenta ng 40 na opisyal na delegado ng Bb. Pilipinas 2022.
Sinabi nito na hindi siya makapaniwala at itinuturing nito na isang karangalan na maging bahagi ng BPCI.
Boluntaryo din siyang tumulong sa mga komite na mamili sa mga kandidata ng Bb. Pilipinas ngayong taon.
Gaganapin ang coronation night ng nasabing pageant sa darating na Hulyo 31.