-- Advertisements --

Dumating na sa Pilipinas ang 2,000 test kits para sa coronavirus disease (COVID-19) na binigay ng mga opisyal mula China at Embahada nito sa bansa.

Ayon kay Chinese Ambassador Huang Xilian, inaasahang may darating pa na dagdag na test kits, iba pang medical supplies, at personal protective equipment para sa Pilipinas.

Katunayan, kaya raw maglabas ng resulta sa loob ng tatlong oras ng nasabing test kits na dinevelop ng kompanyang BGI.

Katuwang ng Embahada ang China Mammoth Foundation sa ipinadalang donasyon.

Nakasaad naman sa statement ng Chinese Embassy ang mensahe ni Foreign Minister Wang Yi na nagsabing handa ang China na magbigay tulong sa mga apektadong Pilipino.

“We feel the same as the Philippine people are going through difficult times. We will do our utmost to help,” ani Foreign Minister spokesperson Hua Chunying.