-- Advertisements --

Isa na ang nasawi matapos ang karambola ng 200 sasakyan sa Zhengzhou, China.

Naganap ang insidente sa tulay kung saan itinuturong dahilan ay ang makapal na hamog na bumara sa paningin ng mga draybers.

Magkakahalong nagbanggaan ang mga kotse at truck.

Aabot pa sa ilang kilometro ang nasabing karambola.

Pansamantalang isinara ng mga otoridad ang tulay at isa-isang tinanggal ang mga sasakyan.