DAVAO CITY – Nakauwi na sa kanilang mga bahay ang halos 200 residente ng Barangay Matiao, Mati city, Davao Orriental matapos silang maapektuhan ng pagbaha dahil sa tropical storm Crising.
Ayon sa Mati City Disaster Risk Reduction Management Office, aabot sa 157 indibiduwal sa Barangay Matiao ang nasa evacuation area dahil sa pagtaas ng tubig-baha sa mga creek na inabot ang mga bahay.
Ngunit sa kasalukuyan, naglilinis na lamang ang mga residente sa kanilang mga bahay na apektado ng nagdaang pagbaha.
Samantalang sa Brgy. Don Enrique Lopez sa nasabing siyudad, mayroong 12 mga pamilya ang kasalukuyan inilipat sa Pasilaan Elementary school.
Sinabi rin ng CDRRMO na may nangyaring landslide sa ilang purok sa Barangay Don Salvador Lopez ngunit wala casualty sa nasabing insidente.










