-- Advertisements --
Aabot sa 200,000 katao ang itinakbo sa pagamutan sa Bangkok, Thailand dahil sa matinding polusyon.
Ang Bangkok kasi kung saan mayroong 11 milyon ang populasyon ay ilang araw ng nababalutan ng makapal na usok mula sa mga sasakyan ang industrial emmissions at galing din sa mga pagsusunog sa mga taniman.
Mula pa noong Enero ay mayroon ng 1.3 milyon katao ang nagkasakit dahil sa air pollution.
Pinayuhan ng mga opisyal ang mga kabataan at mga buntis na manatili na lamang sa loob ng kanilang mga bahay.










