-- Advertisements --

Ipinanukala ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang pagpataw ng 20 taon na pagkakabilanggo sa mga mahuhulian ng hindi rehistradong baril.

Sinabi ng Kalihim na layon nito ay para masawata ang lumalalang insidente ng pamamaril sa bansa.

Dagdag pa ni Remulla na sa ngayon ay makakalaya kapag nakapagpiyansa ang sinumang mahulian ng baril.

Muling nanawagan ito sa mga mambabatas na dapat ay repasuhin ang batas laban sa paglabag sa mga mahuhulian ng hindi rehistradong mga baril.

Ang nasabing pahayag nni Remulla ay bilang tugon sa magkasunod na pamamaril sa mga paaralan sa Tacloban City noong Hunyo 22 at sa Zamboanga City nitong Agosto 18.