-- Advertisements --
image 381

Iginiit ng Philippine Coast Guard (PCG) na kailangan ng pamahalaan na dagdagan ang kanilang fleet ng offshore patrol vessels mula sa tatlo lamang upang matiyak ang proteksyon sa West Philippine Sea.

Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Coast Guard for West Philippine Sea Commodore na si Jay Tarriela, 20 offshore patrol vessels pa ang kinakailangan upang magpatrolya sa nasabing karagatan na sakop ng Pilipinas.

Ang pahayag ay kasunod ng laser incident na kinasasangkutan ng Philippine Coast Guard at China Coast Guard (CCG) sa Ayungin Shoal noong araw ng Pebrero 6.

Sinabi ng opisyal, na ang mga sasakyang ito ay maaaring tumagal ng higit sa 10 araw sa dagat, na maaaring palawigin ang presensya ng Pilipinas sa pinagtatalunang karagatan.

Aniya, ang buong West Philippine Sea ay napakalawak at mayroon lang umanong tatlong offshore patrol vessels na hindi sabay-sabay na naka-deploy dahil kailangan nilang gawin ang kanilang rotational deployment.

Dulot nito, mayroon mga espasyo at bahagi sa West Philippine Sea na hindi umano napupuntahan ng kasalukuyang tatlong offhshore vessels.