-- Advertisements --
Patay ang nasa 20 katao matapos na bumangga sa isang flyover ang sinasakyan nilang bus sa Venice, Italy.
Ang nasabing bus ay nirentahan para magsakay ng turista ng ito ay bumangga sa barrier at nahulog sa malapit sa riles ng tren sa Mestre district.
Nasunog pa ang bus kaya marami sa mga pasahero ang hindi nakaligtas.
Tinawag ni Venice Mayor Luigi Brugnaro ang insidente bilang nakakagimbal sa kasaysayan ng kanilang lungsod.
Patuloy pa na inaalam ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing aksidente.