-- Advertisements --

Patay ang 20 katao matapos ang naganap na pagsabog sa fuel depot ng Nagorno-Karabakh.

Hindi rin bababa sa 300 katao ang itinakbo sa pagamutan dahil sa insidente.

Naganap ang insidente matapos na ibunyag ng Armenian government na mayroong mahigit 19,000 refugees ang nakatawid sa kanilang bansa na galing sa pinag-aagawang lugar sa Azerbaijan.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.