NAGA CITY- Kasabay ng pagsuko ng nasa 20 miembro ng pinaninaiwalaang makakaliwang grupo na New Peoples Army (NPA) ang pagsiwalat rin nito ng umanoy nangyayaring hidwaan sa pagitan ng iba pang miyembro ng mga rebeldeng groupo.
Sa naging pagharap sa mga kagawad ng media ng kinilalang alyas ‘Ka Jr’ at ‘Ka James’ sinabi ng mga ito na maliban sa nabubuong hidwaan ay labis na kagutuman at pasakit umano ang kanilang nararanasan.
Inamin rin ng mga ito na patuloy umano ang ginagawang pang haharas ng iba pang miembro ng New Peoples Army hindi lamang sa mga sibilyan kundi pati na rin sa mga kaparehas nito mga rebelde na gusto naring sumoko sa gobyerno.
Ayon dito napagtanto rin umano nila na isang teroristang groupo ang kanilang naaniban na gusto lamang sirain ang imahe ng gobyerno at mag dala ng panganib hindi lamang sa tropa ng gobyerno kundi pati narin sa mga inosenteng sibilyan.
Kaugnay nito binigyang diin rin na isang kalokohan umano ang pag-anib sa nasabing groupo dahil isang kalbaryo umano ang maghihintay sa mga aanib kung saan taliwas naman sa pangako na sila ay matutulungan na makaahon sa buhay kung ito ay aanib sa groupo.
Kung maalala kasabay ng pagsuko ng nasa 20 dating miembro ng pinaniniwalaang mga rebeldeng groupo ay ang pagsuko rin ng nasa 20 dekalibreng armas.
Samantala tiniyak naman ni MGen Henry Robinson Jr na handa umano at palaging bukas ang gobyerno na bigyang suporta na magbagong buhay ang nasabing mga nagbalik-loob na mga rebelde.