-- Advertisements --

Nagbigay ngayon ang Department of Justice (DoJ) sa Bureau of Corrections (BuCor) ng mga laptop na gagamitin para sa online e-dalaw sa mga inmates ngayong panahon ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sinabi ni Justce Usec. at Spokesperson Markk Perete, 20 laptops ang inisyal na ibibigay ng DoJ sa BuCor ngayong linggo upang pandagdag sa kasalukuyang IT facilities para sa e-dalaw.

Sa pamamagitan ng e-dalaw program, maaari nang magkita at magkausap ang mga persons deprived of liberty (PDLs) at kanilang mga pamilya gamit ang electronic i virtual venues ngayong panahon ng covid pandemic.

Tiniyak naman ng opisyal na tutulong ang DoJ para makabili pa ng mas maraming laptop ang BuCor.

Ayon kay Perete, ipapamahagi ang mga laptops sa New Bilibid Prisons (NBP), Correctional Institute for Women (CIW) at Board of Pardons and Parole.

Ang mga laptops at ipinagkaloob naman sa ilalim ng GoJust Program ng European Union.

“An initial batch of 20 laptops will be deployed to the BuCor to complement the existing IT facilities for E-dalaw. These will be distributed to NBP, CIW and Board of Pardons and Parole. We will assist BuCor in procuring more. Also, the Department of Justice will provide within the week laptops to the BuCor for use of PDLs under the E-Dalaw program. This program will use electronic or virtual venues for PDLs and their families during this time of the pandemic.  The laptops were provided under the GoJust Program of the European Unio,” ani Perete.