Aabot sa 20 sasakyang nakaparada sa impounding area ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang nasunog.

Nagsimula ang sunog pasado 3:00 a.m. kanina na pawang mga government service vehicles ang nasunog.

Ayon sa ilang tsuper na may mga ilang istambay ang naninirahan sa sirang sasakyan at minsan ay doon pa sila humihithit ng droga.

Tinatayang aabot sa P50,000 ang kabuuang halaga ng mga natupok na sasakyan.

Inaalam pang mabuti ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng nasabing sunog.

-- Advertisement --