-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Pinadapa ng buhawi ang nasa 20 bahay sa Surallah, South Cotabato.
Ayon kay Brgy. Canahay captain Rita Escudero, siyam ang totally damaged dahil pawang gawa sa light materials ang naturang mga bahay.
Nadamay din ang mga pananim na palay at mais sa lakas ng hangin.
Sa ngayon nagpaabot na ng tulong ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Surallah sa mga apektadong residente.