-- Advertisements --
IMG 20200522 124333

Tuloy-tuloy ang isinasagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pag-aaral sa plano nilang pagbibigay ng wage subsidy sa mga empleyado mula sa small and medium-sized enterprises (SMSE) o small and medium-sized businesses.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, plano nilang magbigay ng 20 hanggang 25 percent na wage subsidy sa mga empleyado.

Ibig sabihin mas mapapagaan na sa gastusin dito ang mga employer.

Ang naturang hakbang ayon kay Bello ay para maiwasan ang tanggalan sa trabaho at mahikayat ang mga employer na mag-hire pa ng karagdagang work force.

Umaasa si Bello na sa pamamagitan ng wage subsidy ay wala nang mababawas na mga empleyado mula sa mga small businesses.

Sa ngayon nasa mahigit 190,000 daw na mga empleyado na nasa small businesses mula sa 50 kumpanya ang apektado ng tanggalan ng trabaho dahil na rin sa epekto ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa.