-- Advertisements --

Hinimok ng ilang kongresista ang Department of Foreign Affairs (DFA) na palawigin ang validity ng passport ng mga Pilipinong tripulante at land-based overseas Filipino weokers ng karagdagang dalawang taon.

Sa House Resolution No. 2367 na inihain nina Marino party-list Rep. Sandro Gonzales at Macnell Lusotan, kanilang tinukoy ang epekto ng COVID-19 pandemic sa passport application at renewals sa DFA.

Mismong ang DFA na rin anila ang nagsabi na aabot na sa humigit kumulang 4 milyon ang kanilang backlog sa passport application at renewals, na pinalala rin limitted slots na iniaalok sa kada araw para sa pagproseso ng naturang dokumentoy, at dahil marahil na rin sa papalapit na holiday season kung saan mayroong naitatalang pagdami ng inbound at outbound travels.

Bukod dito, malaking hamon din para sa mga Pilipinong tripulante at land-based OFWs na asikasuhin ang kanilang mga passports dahil na rin sa mobility restrictions sa publiko.

Sa bawat delay sa kanilang passport application o renewal, sinabi ng mga kongresista na kawalan sa trabaho ang posibleng maging resulta ng mga ito sa mga Pilipinong manggagawa.