CAUAYAN CITY- Inaresto ang mga number 7, 8 at 9 most wanted person city at provincial level sa magkakahiwalay na operasiyon ng pulisya sa Lunsod ng Ilagan.

Unang naaresto ang number 8 most wanted person city level sa pamamagitan ng warrant of arrest na ininalabas ni Judge Rodolfo Dizon sa kasong homicide laban sa itinagong pangalang Lani, 49 anyos, balo na residente ng Bliss Village, City of Ilagan.

Makakalaya lamang ang suspek kapag naglagak ng piyansang Php120,000.00.

Sumunod na nadakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Rodolfo Dizon ng RTC Branch 18 City Of Ilagan sa kasong pagpatay ang number 7 most wanted person city level at number 9 most wanted person provincial level na si Ryan Dela Cruz, 34 anyos, residente Bliss Village, Ilagan City.

Kapwa nasa pangangalaga na ng Ilagan police station ang mga suspek para sa kaukulang dokumentasyon bago maipasakamay sa court of origin.