-- Advertisements --
Phivolcs DOST Office Wiki Patrick Roque

Nakapagtala ng dalawang volcanic earthquake sa bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas sa nakalipas na 24 oras ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong araw.

Kabilang ang isang volcanic tremor na tumagal ng dalawang minuto.

Nasa kabuuang 5,887 tonelada ng sulfur dioxide naman ang ibinuga ng bulkan sa nakalipas na mga araw.

Ayon pa sa ahensiya, nananatili pa rin ang pagsingaw ng mainit na volcanic fluids sa main carter lake.

Habang umabot naman hanggang 1,200 metro ang taas ng moderate plumes na naobserbahan sa bulkan na napadpad sa hilagang silangang direksyon.

Patuloy pa rin na paalala ng Phivolcs sa mga residente malapit sa taal volcano na nananatili ito sa Alert level 1 o low level unrest kayat ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa permanent danger zone lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures.

Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa bunganga ng bulkan.