Mainit ang ginawang pagtanggap ng mga Pilipinong mambabatas ang pagbisita sa bansa ng 2-man congressional delegation mula sa Amerika na layong palakasin ang bilateral ties ng Pilipinas at Estados Unidos.
Nagpulong nitong weekend ang mga mambabatas ng dalawang bansa at tinalakay ang mga mahahalagang isyu.
Sina Sen. Imee Marcos, Pangasinan Reps. Rachel Arenas, Marikina Rep. Stella Quimbo, at Camsur RepTsuyoshi Anthony Horibata ang nakipagkita sa bipartisan US congressional delegation na binubuo nina Rep. Seth Moulton (Massachusetts-Democrat) at Mike Waltz (Florida-Republican).
Ginanap ang pulong sa Manila Golf and Country Club.
Magugunita na nuong buwan ng Agosto pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pag welcome sa mga US lawmakers na bumisita sa bansa.
Nitong buwan ng September nagpulong sina Pang. Bongbong Marcos at US President Joe Biden sa New York na layong palawakin pa ang diplomatic ties ng dalawang bansa.
Sa bilateral meeting nina Pang. Marcos at Pres. Biden muling iginiit ng US President ang commitment ng US sa Pilipinas lalo na sa usaping pang depensa.
Tinalakay din nin Biden at Marcos jr ang sitwasyon sa West Philippine Sea at iginiit ang freedom of navigation and overflight at ang peaceful resolution sa pinag aagawang teritoryo.
Ang pagbisita naman nina US Rep. Seth Moulton at Rep. Mike Waltz nuong Linggo, October 9 ay itinaon sa nagpapatuloy na 2-weeks joint Ph-US military exercise Kamandag 2022.
Sina Moulton at Waltz ay parehong miyembro ng US House Committee on Armed Services.
Nasa 2,550 US Marines personnel at halos 2,000 Pilipinong sundalo ang kalahok sa joint war games kasama na ang mga observers mula sa Japan at South Korea.
Ito ang kauna-unahang joint military exercises na isinagawa sa ilalim ng administrasyon ni Pang. Ferdinand “Bongnong” Marcos Jr.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Philippine Marine Corps Spokesperson Maj. Emery Torre ibat ibang aktibidad ang naka linya gaya ng live-fire exercise gamit ang mga US aircraft at ang kanilang High Mobility Artillery Rocket Systems (Himars) at ang amphibious operations na gaganapin sa Zambales at mayruon ding joint exercises sa Palawan.
” This is an annual bilateral exercise kung may isyu man o wala matutuloy at matutuloy at magkakaroon po tayo ng bilateral exercises with our US counterpart with our foreign military allies na yearly,” pahayag ni Major Torre.