Nagsimula na ng manhunt opeartions ang mga awtoridad sa Italya matapos magsampa ng reklamo ang isang museo ukol sa isang insidente kung saan dalawang turista, ang nakasira ng isang mahalagang artwork habang nagpapakuha ng litrato.
Ayon sa Palazzo Maffei museum, makikita sa CCTV ang magkaibigang turista na nagpapalit ng kuha ng litrato habang nagpapanggap na umuupo sa “Van Gogh’s Chair”, isang obra ng artist na si Nicola Bolla na nababalutan ng Swarovski crystals at kilala bilang ”fragile.”
Habang ang babae ay tila hindi naman umupo nang direkta ngunit ang lalaki na kasama ng babae ang umupo nang buo dahilan para mabali ang bahagi ng upuan. Makikita pa sa nag-viral na video na dali-daling tumakas ang dalawa mula sa loob ng museum.
Tinawag ng museo ang insidente bilang ”every museum’s nightmare.”
Sa kasalukuyan ay naayos na ang silya, ilang linggo ang nakalipas nang mag viral ang video ng dalawang turista.
Bagama’t dismayado ang artist na gumawa ng upuan, nagbiro naman ito tungkol sa insidente na maituturing daw na isang ”performance art.”