-- Advertisements --

Kinumpirma ng tropa-militar sa Colombia na nakalaya na ang dalawang dayuhan na dinakip ng mga hinihinalang guerillas sa bansa/

Kinilala ang mga biktima na sina Daniel Max Guggenheim, isang Swiss national, at Jose Ivan Albuquerque, Brazilian national. Nasagip ang mga ito habang isinasagawa ang military operation sa southwestern Cauca department.

Dinakip sina Guggenheim at Albuquerque ng “Dagoberto Ramos Mobile Column” noong Marso. Ang nasabing grupo ay kabilang sa halos 2,300 armed dissidents mula sa dating rebelde na FARC movement.

Ayon sa grupo, nahuli rin nila ang isa sa mga kidnappers na nagbabantay sa mga biktima.

Sa isang press conference, kinuwento ni Guggenheim na bigla na lamang daw silang dinakip ng mga kidnappers habang kumakain sila sa isang restaurant.

Humingi umano ang mga kidnappers ng $266,000 bilang ransom money subalit bigla nila itong binabaan ng $1,300.

Labis naman ang pasasalamat ng dalawang banyaga sa kooperasyon ng Colombian authorities para sagipin ang kanilang buhay.