-- Advertisements --

Inaprubahan na ng U.S. Senate ang $2 trillion relief package na nakalaan para magbigay tulong sa mga tao at kumpanyang lubos na naaapektuhan ng unti-unting pagbagsak ng ekonomiya ng Estados Unidos dahil sa coronavirus pandemic.

Ang $250 billion ay direktang ibibigay sa mga indibidwal at pamilya. $350 billion ay ipapamahagi sa mga maliliit na negosyo, $250 billion naman para sa unemployment insurance benefits habang ang natitirang $500 billion ay loan para sa mga kumpanyang magigipit.

Layunin ng panukalang ito na magbigay ng malaking tulong pinansyal para sa mga empleyadong mawawalan ng trabaho, kumpanya at major industries tulad ng airlines.

Ito na ang pinaka-malaking rescue package sa buong kasaysayan ng Amerika. Ang kasunduan na ito ay expansion din ng Republican legislative proposal o Coronavirus Aid, Relief, and Economic Security Act.