-- Advertisements --
Ang pagkakasangkot sa iligal na droga ang nakikitang motibo ng mga kapulisan sa Colorado sa naganap na pamamaril sa 10 katao.
Sinabi ni Denver Police Chief Ron Thomas, na mayroon silang nakitang malaking halaga ng pera at fentanyl drugs sa lugar ng pinangyarihan.
Naaresto na nila ang dalawang suspek na maaring nasa likod ng nasabing pamamaril na kinilala ang mga ito na sina Ricardo Vasquez, 22 anyos at 33-anyos na si Raoul Jones.
Dinala naman ang mga sugatang biktima sa mga pagamutan kung saan tatlo sa mga dito ay nasa kritikal na kondisyon.
Magugunitang naganap ang pamamaril kasabay ng pagdiriwang ng mga mamamayan doon matapos na makuha ng Denver Nuggets ang kanilang kauna-unahang NBA Championship.