-- Advertisements --
Naaresto na ng mga otoridad sa Paris ang dalawang suspek na nagnakaw ng mamahaling crown jewels sa Louvre museum.
Ayon sa Paris prosecutor’s office, na ang isa sa mga suspek ay paalis na sa bansa at ito ay nahuli sa Charles de Gaulle Airport.
Nakakuha ang mga otoridad ng DNA sa lugar ng krimen para agad na makilala ang mga suspek.
Nag-iwan kasi ang mga suspek ang ilang mga gamit gaya ng gloves at jacket.
Magugunitang nilooban ng apat na suspek ang Galerie d’Apollon at tinangay ang mga alahas na nagkakahalaga ng $102 milyon.
















