-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Naghahanda sa ngayon ang military at pulisya sa posibleng retaliatory attack ng teroristang grupo matapos ang nangyaring engkwnetro sa pagitan ng Dawlah Islamiya Group sa Datu Hoffer Maguindanao Del Sur lalo na at nalalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Major Saber Balogan, ang Civil Military Operations Officer ng 601st Brigade, sa nasabing engkwentro dalawang sundalo ng 40th ID, PA at apat na kasapi ng Dawlah Islamiya Group ang nasugatan matapos ang mahigit isang oras na bakbakan.

Sa ngayon, nagpapagaling pa ang mga sugatang sundalo sa ospital habang bantay sarado naman ang mga kasamahan ng mga ito parang masiguro ang kanilang seguridad.

Kaugnay nito, dinoble pa ng military ang monitoring sa mga kasapi nng Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa lugar dahil malaki ang posibilidad na gagamitin silang “goons” ng mga kandidato sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Maliban sa nabanggit na mga grupo, nakabantay din ang militar sa mga private armed groups at mga rebeldeng New People’s Army (NPA).