-- Advertisements --

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Parañaque City Police Station kaugnay sa insidenteng pamamaril sa dalawang indibidwal upang makilala ang suspek at kung ano ang motibo nito.

Sugatan sa insidente ang isang babae at tiyuhin niyang senior citizen matapos.

Ayon sa Parañaque PNP, binaril ang 46-anyos na babae at ang kanyang 69-anyos na tiyuhin bandang alas-5 ng umaga malapit sa palengke ng Barangay La Huerta.

Pahayag ng isa sa dalawang biktima bumili pa umano sa kanila ang suspek.

Sinabi naman ng imbestigador ng kaso na si SMSgt. Rolly Iglesias, bumili pa ng sago ang suspek sa tindahan at wala pa duon ang babae, bumalik uli ang suspek bumili uli ng sago at ng inabot na dito na nangyari ang pamamaril.

Agad-agad umanong tumakas ang suspek papuntang Quirino Avenue sakay ng isang motorsiklo.

Dalawang beses tinamaan ng bala ang babaeng biktima habang isang tama ng baril ang natamo ng tiyuhin niya.

Sa ngayon, patuloy na nagpapagaling sa ospital ang mga biktima.