-- Advertisements --
COTABATO CITY – Kinumpirma ng pulisya na nakapagtala ng shooting incident nitong nakaraang gabi sa Doña Pilar Street, Cotabato City na ikinasugat n2 katao.
Nakilala ang mga ito na sina Abdulhaq Umal at Niño Galimba.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, dalawang lalaki ang namaril sa mga biktima at agad na tumakas.
Isang suspek ang napatay sa engkwentro ng mga rumespondeng Marines, habang ang isa ay nasugatan at naaresto ng Philippine National Police (PNP).
Na-recover mula sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang baril na .45 caliber, mga bala, motorsiklo, at cellphone.
Ayon sa ulat, ang motibo ng insidente ay personal na alitan, at patuloy pa ang imbestigasyon.