Ipinahayag ng Iran na desidido silang ituloy ang hidwaan laban sa Israel ito’y matapos ipahayag ni U.S. President Donald Trump na nauubos na raw ang kanilang pasensya.
Magugunitang lalo pang tumindi ang digmaan sa pagitan ng Iran at Israel sa ika-anim na araw ng sagupaan, matapos muling magpakawala ang Iran ng mga hypersonic at long range missles laban sa Israel. Bilang tugon sa umano’y pagwasak ng Israel sa internal security headquarters ng Iran sa Tehran.
Sa isang televised address, sinabi ni Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei na hindi kailanman susuko ang Iran, at tinawag na hindi katanggap-tanggap ang panawagan ni Trump para sa ”Unconditional Surrender” ng Tehran.
Dagdag pa nito na hindi sila mag papakita ng awa sa Israel.
‘We must strong response to the terrorist Zionist regime. We will show the Zionists no mercy,’ ani Khamenei sa kanyang post sa X (dating twitter).
Ayon sa ulat ng Iranian state TV, Fattah hypersonic missiles at iba pang super-heavy missiles ang inilunsad ng Islamic Revolutionary Guard Corps.
Samantala, kinumpirma ng isang Israeli military official na mahigit 400 ballistic missiles at 1,000 drones na ang pinakawalan ng Iran mula noong Biyernes. Humigit-kumulang 20 missile ang tumama sa mga sibilyan sa Israel.
Hindi naman tukoy kung sasali ang Amerika sa pagbobomba sa Iran, ngunit sinabi ni Trump na posibleng magbago ang pamahalaan ng Iran dahil sa kaguluhan.