-- Advertisements --

2 sugatan na dolphin napadpad sa Poral beach sa Kalamansig Sultan Kudarat

CENTRAL MINDANAO-Ginamot ng mga kawani ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Kalamansig Sultan Kudarat sa pamumuno ni Forester Iskak G. Dipatuan ang dalawang Bottlenose Dolphin (Tursiops truncatus) malapit sa Poral Beach.

Ayon kay Dipatuan na tumanggap sila ng tawag mula kay Municipal Administrator Socorro Lanto at pulisya sa namataan nila na dalawang sugatang dolphin sa baybay dagat.

Sinabi ni Biologist Michael Reglos na ang isang dolphin ay may sugat habang ang isa ay mahina ang katawan at may maliit na sugat.

Sa isinagawang physical and medical assessment ng Municipal Agricultural Services Office sa pangunguna ng nina veterinarians Rebecca Gorieza at Cris Deo Donguines katuwang si Billy Jul mula sa tanggapan ng Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ang isang dolphin ay may sugat sa pectoral fin at posterior infested with parasites habang ang isang dolphin ay may maliit na sugat sa orifice area.

Agad na ginamot ang dalawang dolphin tinurukan ng antibiotics and vitamin B complex.

Nang matiyak na ligtas na ang dalawang dolphin ay agad silang pinakawalan sa dagat.