-- Advertisements --

dulongtanke3

Pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center ang mga nasunugan sa bahagi ng Dulong Tangke, Malinta, Valenzuela City, Sabado ng hapon.

Sa nasabing sunog, dalawang indibidwal ang nasugatan na kaagad isinugod sa ospital at kasalukuyang maayos na ang kondisyon ng mga ito.

Ayon kay Valenzuela Fire Director Superintendent Bernard Batnag Jr., umabot sa ikalawang alarma ang sunog.

Sinabi ni Batnag, karamihan sa nasunog na mga bahay ay gawa sa light materials kaya madaling kumalat ang apoy.

Dahil din aniya sa dami ng taong nagsilabasan, nahirapan sa pagpasok ang mga nagrespondeng firetrucks lalo’t nasa dulong bahagi ng barangay ang sunog.

dulongtanke2

Aminado ang opisyal na hirap din sila dahil mahina ang pressure ng tubig mula sa Maynilad.

Wala namang naitalang casualty sa sunog pero mahigit 50 bahay ang natupok ng apoy na idineklarang kontrolado bandang alas-9:05 kagabi.

Sa ngayon, namahagi ang pamahalaang lokal ng Valenzuela ng mga pagkain at hygiene pack kasabay ng pagtiyak na magbibigay ng tulong pinansiyal sa mga nasunugan para sa pagpapatayo muli ng kanilang bahay.