-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Nagkainitan sa pustahan ng larong Mobile Legend (ML) ang dalawang grupo ng mga kabataan at nagkabarilan nitong gabi ng Martes sa Cotabato City.
Ayon sa ulat ng Cotabato City PNP na nagka-engkwentro ang dalawang grupo sa ORC area malapit sa barter trade sa Barangay Rosary Heights 7 ng lungsod.
Nagsasagawa ang mga pulis ng hot pursuit operation sa mga suspek na sangkot sa nangyaring pamamaril sa RH 9 pero nanlaban ang mga ito at nagkaputukan.
Sampu katao ang hinuli at ang mga sugatan ay agad dinala sa pagamutan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa pamumuno ni Colonel Rommel Javier sa naturang pangyayari.