Hinatulan ng Dutch court ang dalawang Russians at isang Ukrainian na makulong ng habambuhay.
May kinalaman ito sa pagpapabagsak ng Malaysian Airlines flight 17 sa eastern Ukraine noong 2014 na ikinasawi ng 298 katao.
Kinilala ang mga hinatulan na sina Igor Girkin,dating colonel ng Russian Federal Security Service (FSB) at Sergey Dubinskiy, na nagtatrabaho sa military intelligence agency GRU ng Russia at Ukrainian separatist Leonid Kharchenko.
Hindi naman nakasamang nahatulan ang Russian national na si Oleg Pulatov na dating sundalo ng special forces na Spetsnaz-GRU.
Magugunitang dumaan ang eroplano sa rehiyon ng epicenter kung saan nagaganap ang labanan ng pro-Russian separatists at Ukrainian forces ng biglang naglaho ito at kalaunan ay nadiskubreng bumagsak ito.