-- Advertisements --
Nakarating na sa International Space Station (ISS) ang dalawang Russian cosmonaut at isang US astronaut.
Lulan ng mga ito ng Soyuz-MS-24 spacecraft ng Russia at lumipad sa Balikonour cosmodrome ng Kazakhstan.
Sina American Loral O’Hara at mga Russians na sina Oleg Kononenko at Nikolai Chub ay makakasama ang crew ng NASA astronauts na sina Jasmin Moghbeli at Frank Rubio, Russian cosmonauts Dmitry Petelin, Konstantin Borisov at Sergei Prokopyev, ganun din sina Andreas Mogensen ng Denmark at Satoshi Furukawa ng Japan.
Ito ang unang pagkakataon na paglipad sa ISS nina O’Hara at Chub habang ikalimang beses na ni Kononenko.