-- Advertisements --

Dalawang empleyado lang ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang naka-confine sa ospital ngayon dahil sa infection sa COVID-19.

Ito ang nilinaw ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa isang panayam matapos maiulat na 43 staff ng pasilidad ang tinamaan ng sakit.

Ang mga empleyado raw na naka-confine ngayon ay kabilang sa tinatawag na vulnerable population o may edad 50-anyos pataas.

Naka-home quarantine naman ang ibang staff na minor o asymptomatic ang kalagayan.

Sa ngayon limitado muna ang pagtanggap ng RITM ng mga specimen na manggaling lang sa Muntinlupa, Parañaque, Las Piñas, at Pasay.

Hanggang Biyernes, April 24, sinasabing tatagal ang pansamantalang shutdown sa RITM laboratories na nagsimula noong April 16.