Nabulabog ang major music awards show sa Ghana matapos ang naganap na suntukan ng dalawang rap artist.

Naganap ang insidente ng matanggap ng rapper na si Stonebwoy ang kaniyang award na reggae artist of the year ng bigla na lamang umakyat sa stage ang mahigpit nitong katunggali na si Shatta Wale.

Nagkatulakan at nagpanggabot ang dalawa sa stage.

Dahil sa pangyayari ay bahagyang naantala ang Vodafone Ghana Music Awards sa Accra.